Tambay jokes

Juan: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Pedro: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Juan: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!



Lasing: Hoy! Sinong matapang jan ah! Labas!
Lalake: Ako! Baket lalaban ka?!
Lasing: Pare, hatid mo naman ako sa bahay namin, hindi ko na kaya, baka mapagtripan ako..



Bruno: Ano yung nsa papel na yan?
Pedro: Listahan ng mga takot saken.
Bruno: P****a! Bakit andito pangalan ko?!
Pedro: Bakit lalaban ka??
Bruno: Oo!?
Pedro: E di i-erase!
Puede naman e.


Sa Bakery.
Pulubi: ale, palimos po ng cake
Ale: Abah, ambisyoso, cake pa hinihingi mo. O ayan pandesal na lang!
Pulubi: Helloooooooooo????!!!!! Birthday ko kaya!!!!



Bob: Nakakamagkano ka sa 1 araw?
Pulubi: Nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.
Bob: Hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
Pulubi: Pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!



Sa swimming pool..
Boy1: waaaaa!!!!!
tulong! tulong! hindi ako marunong lumangoy?!
Boy2: eh ano naman??
ako nag di marunong mgviolin, sinisigaw ko ba??



Pangalan sa anak.
Noel: Ipapangalan ko sa aking anak "LEON"
baliktad ng Noel
Nino: Sa akin "ONIN"
Baliktad ng Nino.
Toto: Wag nyo kong maisali-sali jan sa usapan nyo




Kagabi, sumakay ako sa jeep… lahat sila nakatingin skin… ang sama ng tingin nila skin…
sinubukan kong mag-abot ng bayad pero hindi nila tinangkang kunin ang bayad ko…
bigla akong kinilabutan… hanggang sa my kumalabit na matanda sa akin
at sinabing…."Arkilado namin ito.."



Juan: pare hulaan MO ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pedro: approachable?
Juan: Mali
Pedro: amiable
Juan: Mali pa rin
Pedro: o sige, sirit na nga
Juan: Anest



Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.



Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo,'yang Pacific Ocean ,
siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!



Pare1: Pare, parang malalim ang iniisip mo!
Pare2: Nanaginip ako kagabi
kasama ko raw ang 50 contestants ng Ms. Universe.
Pare1: Swerte mo! Anong problema mo?
Pare2: Pare ... ako ang nanalo!



Passenger taps taxi driver's shoulder.
Driver screams: WAAAAAHHHHHH! !!!
Passenger: Bakit ka sumigaw?
Driver: Sorry, bossing, bago lang kasi ako sa taxi. 25 years po kasi ako
driver ng funenaria.



Farmer: Lalake na talaga ang aking anak kasi magsasaka na! Ano ang
balak mong itanim sa sakahan mo, anak?
Anak: Flowers, papa! Maraming-maraming flowers! Pretty, di bah?!

Classroom Jokes

Bigas
Teacher: Mga bata, Alam ninyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo't pawis
ng mga magsasaka?
Mga Bata: Eeeeew!!!!



Ang Itlog
Ama: Anak. Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano? madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.



Period
Sa isang clasroom.
Teacher: Class, gaano ka importante ang period?
(nagtaas ng kamay si Juan)
Teacher: OK, Juan.
Juan: Ma'am importante po tlga ang period kasi ung girlfrend ni kuya, minsang sinabi na na-miss daw po nia ung period nia. Ayun umiyak yung tatay pagkatapos si nanay nmn po hinimatay, at lahat sila hinahanap ung driver po nila. Kasi nga daw walng dumating na period.


E-I-E-I-O
Sa isang clasroom, nagkokopyahan ang 2 estudyante.
Juan: Pssst Pedro, anong sagot sa no. 3? Old mcdonald had a ____? ano un?
Pedro: farm! Eng Eng!
Juan: oo nga. eh anong spelling nun?
Pedro: E-I-E-I-O



Tag Question
Teacher: Who can give me an example of a tag question?
Student: My teacher is beautiful, isn't she?
Teacher: Very good!!! Itagalog mo nga!
Student: Si Ma'am ay maganda, hindi naman di ba?

Pinoy family jokes

Bond Paper
Anak: Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako
ng 'cocomban.
Tatay: Ano ka ba naman. Antanda-tanda mo na, hanggang ngayon "cocomban" pa rin ang tawag mo!
Anak: Ano po ba ang tama?
Tatay: Bomb paper!



Biyenan
Juan: Saan ka galing?
Pedro: Sa sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: Eh bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh... Lumalaban!



Magkumare
Mare1: Mare, puwede bang dito muna ko? Naglayas ako sa amin eh. Buntis kasi ako...
Mare2: Di ba dapat dun ka pumunta sa nakabuntis sau?
Mare1: Kaya nga...Anjan ba si pare?



Milk Letter
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido Non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk.
Nagmamahal,
Nanay

Clinic Jokes

Ang Ubo
Isang araw, sa isang clinic.
Pasyente: Doc. Magpapacheck up lang po.
Doctor: Sige tumalikod ka.
Umubo ka.
Pasyente: Hoh! hoh! hoh!
Doctor: Sige ubo pa.
Pasyente: Hoh! Hoh! Hoh!
Doctor: Ok.
Pasyente: Anong sakit ko doc?
Doctor: May ubo ka.



Ang Biro ng Doctor
Misis: Doc. Kumusta na ang mister ko?

Doctor: Misis, Ikinalulungkot ko.
Mula ngayon, ikaw na ang magpapaligo at magpapakain sa kanya...
Dahil, putol na ang kanyang mga kamay at paa...
Misis: HAH?! HINDI NGA?!
Doctor: Hehehe! Nerbyosa ka masyado. Joke lang! Patay na siya!



Checkup
Girl: Doc. Good morning po. Magpapacheck-up po.
Doc: Sige. Hubad kana. Tapos humiga ka.
Girl: Ay. Doc hindi po ako. Yung lola ko po.
Doc: Ganun ba?
Lola... Hinga ng malalim.



Bading sa Clinic
Nurse: Doc, bakit tinanggihan nyo yung pasyente?
Doctor: Alin, yung bakla?
Nurse: Opo. Baka sabihin nandidiscriminate tayo, dahil bading siya.
Doctor: Ano naman raraspahin ko sa kanya?



Clinic Service Quality
Patient: OK ba ang services sa clinic na ito?
Doctor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Patient: Paano kung hindi ako satisfied?
Doctor: Ibabalik namin ang sakit mo.



Paglabas ng Clinic
Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid.
Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
Juan: Wow, galing! Magkano ang bili mo sa hearing aid mo?
Pedro: Kahapon lang!