Tambay jokes

Juan: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Pedro: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Juan: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!



Lasing: Hoy! Sinong matapang jan ah! Labas!
Lalake: Ako! Baket lalaban ka?!
Lasing: Pare, hatid mo naman ako sa bahay namin, hindi ko na kaya, baka mapagtripan ako..



Bruno: Ano yung nsa papel na yan?
Pedro: Listahan ng mga takot saken.
Bruno: P****a! Bakit andito pangalan ko?!
Pedro: Bakit lalaban ka??
Bruno: Oo!?
Pedro: E di i-erase!
Puede naman e.


Sa Bakery.
Pulubi: ale, palimos po ng cake
Ale: Abah, ambisyoso, cake pa hinihingi mo. O ayan pandesal na lang!
Pulubi: Helloooooooooo????!!!!! Birthday ko kaya!!!!



Bob: Nakakamagkano ka sa 1 araw?
Pulubi: Nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.
Bob: Hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
Pulubi: Pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!



Sa swimming pool..
Boy1: waaaaa!!!!!
tulong! tulong! hindi ako marunong lumangoy?!
Boy2: eh ano naman??
ako nag di marunong mgviolin, sinisigaw ko ba??



Pangalan sa anak.
Noel: Ipapangalan ko sa aking anak "LEON"
baliktad ng Noel
Nino: Sa akin "ONIN"
Baliktad ng Nino.
Toto: Wag nyo kong maisali-sali jan sa usapan nyo




Kagabi, sumakay ako sa jeep… lahat sila nakatingin skin… ang sama ng tingin nila skin…
sinubukan kong mag-abot ng bayad pero hindi nila tinangkang kunin ang bayad ko…
bigla akong kinilabutan… hanggang sa my kumalabit na matanda sa akin
at sinabing…."Arkilado namin ito.."



Juan: pare hulaan MO ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pedro: approachable?
Juan: Mali
Pedro: amiable
Juan: Mali pa rin
Pedro: o sige, sirit na nga
Juan: Anest



Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.



Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo,'yang Pacific Ocean ,
siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!



Pare1: Pare, parang malalim ang iniisip mo!
Pare2: Nanaginip ako kagabi
kasama ko raw ang 50 contestants ng Ms. Universe.
Pare1: Swerte mo! Anong problema mo?
Pare2: Pare ... ako ang nanalo!



Passenger taps taxi driver's shoulder.
Driver screams: WAAAAAHHHHHH! !!!
Passenger: Bakit ka sumigaw?
Driver: Sorry, bossing, bago lang kasi ako sa taxi. 25 years po kasi ako
driver ng funenaria.



Farmer: Lalake na talaga ang aking anak kasi magsasaka na! Ano ang
balak mong itanim sa sakahan mo, anak?
Anak: Flowers, papa! Maraming-maraming flowers! Pretty, di bah?!

0 comments: