Bond Paper
Anak: Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako
ng 'cocomban.
Tatay: Ano ka ba naman. Antanda-tanda mo na, hanggang ngayon "cocomban" pa rin ang tawag mo!
Anak: Ano po ba ang tama?
Tatay: Bomb paper!
Biyenan
Juan: Saan ka galing?
Pedro: Sa sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: Eh bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh... Lumalaban!
Magkumare
Mare1: Mare, puwede bang dito muna ko? Naglayas ako sa amin eh. Buntis kasi ako...
Mare2: Di ba dapat dun ka pumunta sa nakabuntis sau?
Mare1: Kaya nga...Anjan ba si pare?
Milk Letter
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido Non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk.
Nagmamahal,
Nanay
Pinoy family jokes
Posted by wind2light 1:23 AM
Labels: Family jokes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment